An open letter for my cousins..

We used to be that close, yung close na tipong sa tuwing bakasyon excited tayong makita ang isa’t isa, yung tipong walang ilangan hindi katulad ngayon. Madami na ang nagbago sa ating lahat, meron ng nakatapos sa pag-aaral at may trabaho na ngayon.. Alam niyo madalas ko kayong nababanggit sa blog ko, madalas nalulungkot ako kasi hindi na tayo katulad nang dati. Nawala na yung alaala na masaya pa tayong lahat magkakasama. 

Simula noong nalaman kong hindi niyo ako totoong kadugo pakiramdam ko wala lang ako pamilyang kinakagisnan ko. Pero sana kung pwede lang sana ibalik yung panahon na wala akong alam sana ibalik nalang yon kung pwede nga lang.. 

Madaming pinag dadaanan ang pamilya natin ngayon alam kong ramdam niyo din naman ‘yon. Naalala ko din noon kung gaano kasaya lahat noon. Naglalaro pa tayo noon sa bukid sa probinsya madalas din tabi tabi pa nga tayo matulog non. 

Kayo yung nag mistulang kapatid ko kahit hindi ko kayo totoong kadugo nandiyan kayo noon kalaro ko buo pa tayo non. Ngayon, hindi ko na alam kung nasan na.. Pero naiintindihan ko kasi malaki na nga tayong lahat madami pang ibang problemang dapat isipin pero sana bumalik yung panahong MASAYA pa tayo magkakasama. Sana maka bonding ko kayo ulit. I’m hoping for that day to come :’)


ABOUT


Ghen|19|Cavite|PH

Ang blog na ito ay naglalaman ng personal na lathala at madami pang iba..

Kung may iba ka pang katanungan i-click mo lang ang Ask button.


WOAHkada


Read the Printed Word!