Lord,  

alam ko madami na pokong akong pag kukulang sa inyo. Pero nag papasalamat pa rin po ako na kahit madami na akong kasalanan, napapatawad niyo parin ako. Ang lakas ko sa inyo Lord! Salamat kasi hinayaan niyo kaming matuto sa mga nangyayari sa buhay namin at malagpasan ang bawat pag subok na binibigay niyo sa amin. Patawad po kung madalas nakakagawa ng kasalanan. I love you! The Best ka! :)


Minsan, nasasabi mo nalang sa sarili mo na gusto mo nalang mawala bigla. O di kaya tusukan ka nalang ng madaming anesthesia para di ka makaramdam ng sakit. Nung panahon na tinurukan ako ng anesthesia sobrang manhid ko eh. Haha seryoso nung sabado nagpa bunot ako eh. Ayon. Pero balik sa topic .. 

Yon nga pag nakakaramdam ka ng pagka malungkot o bigla kang may naalala na nakakalungkot na nagawa mo o nangyari parang gusto mo nalang matulog tapos sana pag gising mo wala ka na agad naalala. O di kaya sana ma aksidente ka tapos magka amnesia ka tapos di na babalik ang ala-ala mo maliban don sa mga taong malapit talaga sa akin. Pwede din makalimutan lahat ng tao. Basta!


Matagal na rin pala simula nung huli akong nag post dito. Wala na kasi masyadong nangyayari sa buhay ko lately puro kadramahan sa buhay lalo na sa lovelife kong ito. 

Ngayon, may trabaho na ako, kasama ko si kyo sa trabaho at sila ang rason kung bakit madalas nakakalimutan kong malungkot ako minsan. Nagkita rin pala kami ni ronjo nung sabado harutan at ayon may pasa akong malala sa braso dahil sa kurot niya. Confusion na ang naiisip ko madalas. Nakakabaliw. Ang dami ko ng nagawang mali simula January nakaka praning madalas. Nakakaparanoid, hindi naman ako ganito dati eh. Hindi ko ugali talaga ‘yon. Pero ewan ko na! Gusto ko nalang mag disappear tapos wala ng balikan sa kinasanayan kong buhay. Gusto ko iba naman. Para tapos na.



When do stars fade their light? Does the moon and the sun make it right For you the world maybe Like an endless storm chasing a mystery Is there hate in your heart? Does your body drop and tell you to stop Loving you or loving me When it all falls down you just sing with me Coz there’s a blue sky waiting tomorrow Waiting tomorrow shining and shimmering A blue sky waiting tomorrow Waiting tomorrow Maybe it’s all we need ..

When do stars fade their light?
Does the moon and the sun make it right
For you the world maybe
Like an endless storm chasing a mystery

Is there hate in your heart?
Does your body drop and tell you to stop
Loving you or loving me
When it all falls down you just sing with me

Coz there’s a blue sky waiting tomorrow
Waiting tomorrow shining and shimmering
A blue sky waiting tomorrow
Waiting tomorrow
Maybe it’s all we need ..


Minsan, sa dami kong iniisip nakakalimutan ko na yung pinaka gusto kong i-post dito. Yung gusto kong ilabas o gusto kong i-share. Basta meron akong gustong sabihin pero aalalahanin ko muna. Bahala na. 



narathree:

miss flower ka ba? kasi meron kang ovary.

narathree:

miss flower ka ba? kasi meron kang ovary.


Ang followers ko dito? hindi naman umaabot sa 1k eh kahit don sa nakaraang blog ko ata hindi umabot? Teka di ko alam pero kahit pabawas na ng pabawas hinahayaan ko lang. Oo siguro nadidismaya minsan pero okay lang kasi hindi naman ako madalas nag popost dito eh. Napipiga na rin yung utak ko lately kaya ‘yon. Nakakatamad na. parang ito.. 


Minsan, kahit ikaw na mag mukhang kawawa o tanga sa relasyon niyo basta lang magkaayos kayo gagawin mo kasi nga ayaw mo siya mawala. Kahit pangit na tingin sayo kasi wala ka ng tinitira sa sarili mo ayos lang basta maging masaya lang siya palagi. Laking tanga eh no? Pero wag ka masarap maging tanga paminsan-minsan kasi yang pagiging tanga mo nabibiyayaan.


Last night, first time kong mag sleep over with him unexpectedly. Uuwi naman dapat ako kaso hindi ako naka abot sa LRT kaya hindi ako nakauwi. Pinabalik ako ng dorm at doon nalang natulog. Dapat uuwi din siya kaso sobrang lasing siya at usapan 1:30 uuwi siya pero dahil nga lasing siya umatras naging alas tres daw pero nakatulog na siya hanggang 7am in the morning na. Tapos napatagal pa kami hanggang 12 ng tanghali. Madaming nangyari kagabi hindi nangyari na kung anu ha? Nangyari na pangyayari. May suntukan factor may away factor at may iyak factor. 

Sa nangyari mas lalo ko siyang minahal dahil kagabi niya nasabi lahat lahat ng pag sisi niya sa iba’t ibang bagay. Sinabi niya rin kung gaano niya ako ka mahal although walang measurement nga basta narinig ko naramdaman ko kung gaano siya ka sincere sa lahat ng sinabi niya. First time ko rin siya nakitang umiyak sobrang iyak as in hagulgol siya. Basta madami nangyari. Sa sobrang dami tinatamad akong ikwento kasi nag rereview ako. Mahaba ang tulog ko kanina pag uwi ko. Kaya nag rereview nalang ako ngayon..

May mga bagay sa mundo na mapag dadaanan mo na magkakamali ka at sa bawat pagkakamali mo sisikapin mong bumangon. Gagawin mo ang makakaya mo para mag bago at bumangon muli. 



Ang simula ng linggong ito ay hindi maganda para sa akin. Kaninang umaga pag katapos ko maligo. Palabas na ako ng CR ng biglang sumanggi ang kanang paa ko sa may bakal ng drainage sa banyo. Akala ko wala lang nangyari pero nung pagkatingin ko nag simula ng dumugo. Sobrang daming dugo na halos magkaroon na ng lawa ng dugo sa banyo. Salamat sa mama ko na nag first aid at pag katapos ng COP namin kanina dumiretso ako ng Las pinas Med para ipacheck at ipa linis na rin. Ang daming ginawa sa akin. Nakakaloka haha! Sana maging okay na. Ang dami ko ng iniinom na gamot. Mabuhay!


ABOUT


Ghen|19|Cavite|PH

Ang blog na ito ay naglalaman ng personal na lathala at madami pang iba..

Kung may iba ka pang katanungan i-click mo lang ang Ask button.


WOAHkada


Read the Printed Word!